Kilala ang Mang Inasal dahil sa panalong lasa ng mga pagkain nito. Dagdag mo pa ang unli-rice promo na ipinagmamalaki nito. Ngunit, kagaya ng karamihan, marami ring pagsubok ang pinagdaanan ng nasabing Fast Food Chain bago nito nakamit ang katanyagang tinatamasa nito ngayon. Sa maraming beses nitong pagkadapa, ilang beses din itong inahon at itinayo ng komunidad kung saan ito nabibilang. Kaya naging misyon na ng Mang Inasal na magbigay ng tulong sa taos-pusong tumulong.
2003 noong buong tapang na sinimulan ni Edgar “Injap” Sia II ang noo’y isa lamang ideya. Isang kainan na magbibida sa pagkaing pinoy, kulturang pinoy. Sa isang bakanteng espasyo sa Robinson’s Mall Carpark sa Iloilo itinayo ang unang branch ng Mag Inasal. Ngunit dahil narin wala pa itong maipagmamalaking track record noon at nagsisimula pa lamang, maraming suppliers ang nagduda at hindi pumansin sa kanya.
Sa kagustuhang magtagumpay ni Injap, hindi sya agad sumuko. Nang hindi sya pansinin ng malalaking suppliers, sa mga palengke at maliliit na kooperatiba sa kanyang komunidad sya lumapit. At hindi sya binigo ng mga ito. Unti-unti, kasama ang komunidad na taos-pusong naniwala at sumuporta sa kanya, tinahak nya ang landas tungo sa tagumpay. Sa kasakukuyan, mayroon ng mahigit 450 Mang Inasal Branches sa Pilipinas. Bukod pa rito, samot-saring parangal na rin ang nakuha nito sa ilang taong pamamayagpag ng nasabing Fast Food Chain.
At sa paglipas ng panahon, patuloy paring tinatangkilik ng mga Pilipino ang “nuot-sarap” na pagkaing ipinagmamalaki ng Mang Inasal. Sa kabila ng tagumpay nito, hindi nakakalimot si Edgar “Injang” Sia II. Mula sa vision na itayo ang Mang Inasal, ngayo’y mission naman nito na tumulong sa taos-pusong tmulong noong mga panahong wala pang naniniwala sa kanya –ang kanyang komunidad.
Pihadong kayang kaya nya ng kumuha ng malalaking suppliers. Ngunit, hanggang ngayon, ang kanyang katapatan at pasasalamat ay nasa Guimaras Island (banana leaves supplier) at Iloilo Community Cooperatives (bamboo sticks supplier). Ang mga tumulong sa kanya noong sya’y nagsisimula pa lamang.
Oras na para simulan ang sarili mong success story. Simulan ito gamit ang Peddlr. Magdownload ng Peddlr App on Play Store, App Store, and Huawei App Gallery.
Content Sources:
ABS-CBN News. (2010, October 29). Mang Inasal owner shares pain of letting go. Retrieved from News.abs-cbn.com: shorturl.at/eLZ08
Business News Philippines. (2015, November 26). The Mang Inasal Success Story: How a College Dropout Made it to Forbes List of 40 Richest Pinoys. Retrieved from Business News Philippines: shorturl.at/eJNY8
Primer. (2017, July 17). Success Story of Injap Sia: Youngest Billionaire in PH. Retrieved from Primer.com: shorturl.at/histX