Ang Peddlr ay para sa mga nais magtagumpay sa kanilang maliit na negosyo. Baon ang kagustuhang tumulong sa mga MSMEs, patuloy na nagsisikap ang power team ng Peddlr upang maibigay ang serbisyo at tulong na ipinangako nito sa higit 2,000,000 na nagtiwala at nagdownload ng nasabing mobile application. Kaya lubos na lamang ang kagalakan ng Peddlr ng ito ay gawaran ng pagkilala ngayong Setyember 28, 2022. Pagkilala at parangal na mas lalo lang magpapalakas at magpapatibay sa misyon nitong tulungan ang mga MSMEs na magtagumpay.
Ang Peddlr ay kinilala bilang isa sa 2022 LinkedIn Top Startups. Napabilang ang Peddlr sa hanay ng sampung emerging startups na binigyan ng prestihiyosong pagkilalang ito na pinili base sa employee growth, jobseeker interests, member engagement within the company and its employees, at means of pulling talent from LinkesIn’s flagship to companies list. (Tuklasin dito: LinkedIn Top StartUps 2022)
Ang mapabilang sa 1st Annual LinkedIn Top StartUp List ay hindi lamang patunay sa pamamayagpag ng Peddlr sa startup economy sa bansa sa kabila ng maraming hamon. Hindi lamang ito pahiwatig ng patuloy na pag-innovate at pagkuha ng atensyon ng Peddlr ngayong 2022. Higit sa ano pa man, ang karangalang ito ay para sa mga MSMEs na patuloy na nagtitiwala sa tulong na dulot at hatid ng Peddlr. Na sa kasalukuyan, ang Peddlr ay hindi na lamang digital bookkeeping app. Dagdag kita sa e-load, e-supplies, at mga parating pa ay matatamasa na rin ng bawat ka-Peddlr na magnanais nito.
Lagi’t lagi, ang pagkilala sa Peddlr ay pagkilala sa dedikasyon nitong tumulong sa MSMEs. Ang parangal sa Peddlr ay parangal para sa bawat isang ka-Peddlr.
Maging kabilang sa mga sunod pa nating tagumpay na aabutin. Magdownload ng Peddlr App on Play Store, App Store, and Huawei App Gallery.
Pingback: 2022 Look Back