MalaCash: Pangmalakasang E-load Bonus sa Peddlr


Ang Peddlr team ay labis na natutuwang ipaalam sa inyo ang pinakabagong naming feature – MalaCash!

Sa MalaCash, magiging mas kapanapanabik ang bawat e-load top-up mo at pagbenta ng load sa iyong mga suki. Bukod pa sa aming mga rebate offers, may makukuha ka na ding cashback sa bawat benta mo ng e-load.

Ihanda na natin ang iyong MalaCash-ang e-load negosyo ka-Peddlr!

Para Saan ang MalaCash?

Ang MalaCash ay isang kamangha-manghang feature na magbibigay sa iyo ng mga bonus o cashbacks sa tuwing magto-top up ka sa iyong e-load wallet at kapag nagpadala ka ng load sa iyong mga suki. Talaga namang sulit na sulit ito, dahil bawat e-load transaksyon ay may kasamang karagdagang bonus kang maiipon at magiging dagdag “tubo” ito sa iyo buwan-buwan.

Paano ba malalaman kung makakatanggap ka ng cashback? Nakabase ito sa magiging MalaCash level mo at meron tayong dalawang klase:

Lvl 1: MariSeller

Kapag naabot mo ang antas na ito, dito ka na makakapagsimulang tumanggap ng mga libreng cashbacks sa bawat pagpapadala mo ng e-load. Kahit magkano ang ipa-load mo sa iyong customer, garantisadong may babalik na bonuses.

Lvl 2: MaTindera

Kapag narating mo naman ang antas na ito, doble na ang cashback na matatanggap mo!

Sa MalaCash, maari kang makakuha ng up to 70 cashback depende sa halaga ng iyong pina-load.

Kapag mas marami kang e-load top-ups at benta ng load sa customer, automatic na mas malaki rin ang iyong maiipong cashback. Lahat ng bonuses o cashbacks na ma-claim mo ay matatabi sa iyong “Mahiwagang Garapon” at makukuha mo ito sa huling araw ng buwan.

Kahit new or existing ka-Peddlr ka, pwedeng pwede mo gamitin ang MalaCash sa iyong e-load negosyo. At wag mag-alala, lahat ng e-load bonuses mo ay marerecord sa iyong Peddlr account at makikita mo rin sa iyong mga receipts.

Alamin kung paanong gamitin ang MalaCash – Peddlr MalaCash

Be a MariSeller at MaTindera Na!

Sa MalaCash, mas pinasaya namin ang paggamit ng Peddlr e-load. Ang bonuses na matatanggap ninyo sa bawat pagpapadala ng e-load ay maaari ninyong gamitin ulit sa pag-load.

Sa pamamagitan ng MalaCash, mas matutulungan ka naming palaguin pa ang iyong kinikita. Siguradong hindi ka malulugi sa iyong e-loading business.

Huwag nang mag-atubiling mag top-up ngayon at simulan na ang masayang pagtanggap ng mga cashbacks sa bawat pagpapadala ng e-load kay suki!

Sabay sabay tayong mag ipon challenge sa ating Mahiwagang Garapon ka-Peddlr.


Ano ang Peddlr?

Ang Peddlr ay isang mobile application para sa mga business owners, malaki o maliit man ang negosyo. Libre i-download, libre gamitin, at gumagana kahit walang internet. Nakakatulong sa pag-manage at pag-track ng business performance ang mga features ng Peddlr. Narito ang ilan sa mga kapaki-pakinabang na mga features na maaari mong ma-access sa Peddlr app:

  • FREE Point-of-sale system (POS) or a mobile cashier system
  • FREE Credit Reminder – automatic mag-send ng SMS reminder tungkol sa credit o “utang” sa iyo ng mga customers
  • FREE Inventory Manager/Tracker – subaybayan lagi ang bilang ng iyong mga produkto
  • Loading and Bills Payment Services – enjoy ang mga rebates at cashback
Small Business Peddlr
Small Business Peddlr
Small Business Peddlr

Leave a Reply