Noong Agosto ay sinimulan ng Peddlr ang online courses kung saan ang layunin nito ay bigyan ng libreng training at matulungan ang Peddlr users na makakuha ng bagong skills at knowledge na magagamit nila sa pagpapatakbo ng negosyo nang sa gayon ay ma-upscale ang kanilang business operations.
Makalipas ang dalawang buwan, anim na online courses na ang matagumpay na naisagawa ng Peddlr para sa mga ka-Peddlr. Bawat session ay puno ng mga magagandang kaalaman na inihatid ng iba’t-ibang tagapagsalita. Ang pinakaunang session ay tungkol sa “Beginners Guide on Preparing Basic Financial Statements” na pinangunahan ni Julius P. Rocabo noong August 8, 2022. Ayon kay Julius P. Rocabo, “the secret of a business success aside from thorough planning is keeping records because it will serve as a basis in decision-making – everything boils down to having a records business.”
Ang mga sumunod na online course ay tungkol sa customer service, DTI registration, fundamentals of accounting, at basic marketing kung saan iba’t-ibang tagapagsalita na may malawak na karanasan sa bawat paksa ang inimbitahan ng Peddlr.
At noong September 30 lamang, isinagawa ang pang-anim na online course na pinamagatang “Digital Marketing”. Si Erron Mark D. Mejico, Growth Analyst ng Peddlr, ang naging resource speaker ng webinar na ito. Ayon sa kanya, may 3Cs ang Digital Marketing:
1. Connect – sa tulong ng digital marketing kayang makipag connect sa mas maraming tao dahil na malawak na saklaw ng teknolohiya;
2. Compete – kayang makipagsabayan sa ibang negosyo na gumagamit ng teknolohiya; at
3. Conquer – kayang maconquer ang industriya kase kita ay pwedeng lumaki at negosyo ay pwedeng lumago.
Maliban dun, nagbigay rin siya ng “5 Easy Steps to Digital Marketing”: Identify, Strategize, Implement, Analyze, at Redo.
Nawa’y naging makabuluhan sa bawat ka-Peddlr ang lahat ng sessions ng online course dahil ito ay isinagawa para lamang sa inyo. Hangga’t nandiyan kayong solid ka-Peddlrs, patuloy kaming magsasagawa ng mga initiatives na hatid ay tulong sa inyo.
Para di ka mahuli sa latest, magdownload ng Peddlr App on Play Store, App Store, and Huawei App Gallery.
Pingback: Negosyo sa Barangay
Pingback: Negosyo sa Kabataan
Pingback: Negosyo Ideas: 10 Patok na Negosyo Ngayong 2023
Pingback: Bills Payment at New Features sa Peddlr App