Isang ka-Peddlr ang trending ngayon sa Facebook at na feature pa sa Philippine Star dahil sa pagiging techy at sosyal nito. Namangha nga ang isang Cebuano Photographer na si Ken Paul Terante dahil first time nyang makakita ng turo-turo na may resibo. Narito ang buong kwento.
Bakasyon ang pinunta ni Ken Paul Terante sa Bantayan island ngayong Nobyembre. Hindi niya inaasahan na hindi lamang sa ganda ng tanawin sya mamamangha. Ngunit pati na rin sa isang street food vendor na may printed receipt na binibigay. Sino nga ba ang mag aakala na sa order nyang bread roll, tempura, softdrink, at pancit canton sa gilid ng kalsada, ay may resibo syang matatanggap? Hindi pa dito natapos ang pagkamangha nya dahil ang nasabing street vendor ay tumatanggap rin ng GCash, PayPal, at Bank Transfer payments.


Ikinabahala naman nya ang dagdag gastos ng street vendor dahil bibili pa ito ng thermal paper para sa resibo. Ngunit naging kasagutan naman ng nasabing street vendor na ito ay walang kaso basta’t siguradong namomonitor nya ang kanyang sales.
Ilang beses ngang inulit ni Ken Paul Terante kung gaano ka sosyal ang street vendor. Dahil sa pagkakaroon nito ng printed receipts para sa mga order. Dagdag pa nya, siya ay na-inspire. Na kung sya man ay magnenegosyo soon, susunod sya na yapak ng street vendor na nakita nya. Mamomonitor na nya ang kanyang sales at inventory, may printed receipts pa syang mabibigay sa kanyang customers.
Ka-Peddlr, patuloy lang sa paggamit ng Peddlr App. Mas napadali na ang iyong business operations, malay mo, ikaw na ang sunod na magtrending.