Site icon Peddlr

Go Negosyo Digital Summit

Isa ang Peddlr sa mahigit 30 brands na lumahok sa Go Negosyo Digital Summit. Ito ay idinaos noong Oktubre 24, 2022 sa SM Mall of Asia Music Hall, Pasay City.

Ang nasabing Go Negosyo Digital Summit ay dinaluhan ng libo-libong micro and small business owners na layong madigitalize ang kanilang business operations bitbit ang hangaring mas maayos ang kanilang business operations at kumita ng mas malaki.

At bilang Catbalogan-based startup, hindi pinalampas ng Peddlr ang pagkakataong makatulong sa mga MSMEs sa pamamagitan ng pagpapakilala sa Peddlr App at pamimigay ng libreng E-load puhunan para umpisahan ang kanilang Peddlr E-loading Business. Nagkaroon din ng pagkakataon ang Peddlr CEO and Co-founder na si Nel Laygo na magbigay ng informative and inspirational talk para sa lahat ng micro and small business owners na dumalo.

Dinumog ang booth ng Peddlr ng mga MSME owners na dumalo sa nasabing event. Tulong para sa kanilang inventory at POS ang pangunahin nilang dinaing. Dagdag pa rito ang mga negosyanteng naghahanap ng dagdag na pagkakakitaan. Kaya naman ang digital products ng Peddlr ang naging sentro ng diskusyon.

Nagtapos ang aktibidad na puno ng ngiti ang venue. Lagi’t lagi, hangad ng Peddlr ang pagbuti at pag unlad ng kalagayan ng MSMEs sa Pilipinas. Hanggang sa susunod!

Exit mobile version