Si Mariel Limbaga ay isa sa mga unang gumamit ng Peddlr App. Sa kanyang maliit na tindahan, ang Peddlr ay hindi lamang basta libreng POS device. “Basta, ang saya saya ko lang na marami akong natutulungan at nakakausap” ani pa ni Mariel. “Pag may nagtatanong po sa akin paano gamitin ang Peddlr, sobrang excited po ako na tulungan sila” dagdag pa nya. “Isa pa po, mas masaya kung sama-sama.”ani nya.
Setyembre 2021 noong unang gumamit ng Peddlr App si Mariel. Tulad ng karamihan, hindi rin nya gamay ang app na bago pa sa kanya. “Tinulungan din po ako nila maam Aiko, sir Nel, at iba pa nung nagsisimula palang akong gumamit.” Kalaunan, naging bihasa na sya sa paggamit ng Peddlr App para sa kanyang negosyo. “User-friendly po kasi talaga ang Peddlr. Ang dali at saya gamitin.” sabi pa nya.
Ang pagtulong at kabutihan na ipinakita sa kanya noon ay syang kabaitan at pagtulong naman na ibinabalik nya sa mga bagong Peddlr App user ngayon. “Hindi ko naman po responsibilidad pero ang saya saya po kasing tumulong eh” ika pa ni Mariel. Patunay na ang bayanihan at pagtutulungan ay dama sa komunidad na binuo ng Peddlr. Mga business owners na may pangarap na lumago ang negosyo. Komunidad ng mga business owners na taos-puso ang kagustuhang tumulong sa kapwa negosyante. Komunidad na sama-samang umuunlad at nagtatagumpay.
Gusto mo rin bang maranasan kung bakit mas masaya kung sama-sama? Magdownload ng Peddlr App on Play Store, App Store, and Huawei App Gallery.