One Peddlr, One Community

Ang lahat ay nagsimula sa isang munting hangarin. Tunay na hangaring makatulong sa mga maliliit na negosyo ng ating mga kapwa Pilipino. Hangaring mapadali ang kanilang buhay negosyo. Hangaring ngayon ay unti unti nang nagkakatotoo. Sino nga bang mag aakalang isang taon na tayo? Isang taon ng pagtutulungan. Isang taong pagpapatunay na tayo ay One Peddlr, One Community.

Upang ipagbunyi ang unang taon ng Peddlr, isang Facebook Live event ang idinaos noong July 15, 2022. Ang pagdiriwang na ito ay itinanghal upang ipakita ang taos pusong pagpapasalamat ng Peddlr sa lahat ng MSMEs na tumatangkilik at patuloy na gumagamit sa ating Free POS App.

Itinampok sa nasabing Facebook Live ang Peddlr Jingle, Peddlr Serye, at Peddlr Employee Performances. Ito ay patunay na ang bumubuo ng Peddlr Team ay hindi lamang passionate sa negosyo, kundi puno rin ng talento at kagustuhang magtanghal. Naging highlight din ng selebrasyon ang mga games at raffle kung saan may nanalo ng e-load, e-Supplies, at tumatagingting na 10,000 puhunan package.

Taos pusong nagpapasalamat ang Peddlr sa 6.2k views and 5.1k comments na ibinahagi ng ating mga ka-Peddlr sa nasabing Anniversary celebration. Higit pa rito, sa isang taon –at sa marami pang taon na darating—sama sama nating abutin ang ating mga hangarin sa buhay bilang One Peddlr, One community.

Magdownload ng Peddlr App on Play StoreApp Store, and Huawei App Gallery.

Leave a Reply