Peddlr Stories: Mahal, ito ang regalo ko.

Enero noong 2021, naglalambing ang asawa ni Jeff Axian kung mayroon ba itong valentine surprise para sa kanya. Subalit, gusto man nyang isorpresa ang kanyang kabiyak at sabihing “Mahal, ito ang regalo ko”, hindi sya sumasagot. Habang papalapit ang araw na iyon, nagkasakit ang kanyang asawa at binawian ng buhay noong Pebrero 2021.

Dahil dito, naiwan sa kanya ang dalawa nyang anak at ang maliit nilang negosyo. Labis ang kalungkutan na dinanas ni Jeff dahil sa pagpanaw ng kanyang kabiyak sa buhay. Ngunit, para sa kanyang mga anak, naisip nya na kailangan nyang lumaban. Kailangan nyang magpatuloy.

“Bumangon ako kasama ang Peddlr. Tandang tanda nya pa. Huling linggo ng Hulyo 2021 nang magdownload sya ng Peddlr App. Ibang klaseng tuwa ang dulot nito sa kanya.“Biruin mo, noon 15-20 notebooks ang ginagamit kong listahan, ngayon isang cellphone nalang gamit ko.” Dagdag pa nito, “Everything is recorded. Kahit sentimo, namomonitor ko. Galing talaga.”

Matapos ang ilang buwan na pagsisikap, guminhawa ang buhay negosyo ni Jeff. “Alam mo ba, mula sa dose pesos na kita, ngayon umaabot na sa 80,000 ang kita ko.  Also, mas may time na ako sa mga anak ko dahil madali na ang aking business operations. Salamat talaga sa Peddlr” sabi pa ni Jeff.

Ngayon, naglalaan ng oras si Jeff upang tulungan naman ang iba pang ka-Peddlr sa Peddlr App User Community. “Diyan din ako nagsimula eh. Ako ang nagtatanong noon, kaya tumutulong na ako sa pagsagot ngayon.” At sa hangaring makatulong, ika nya “Sa mga ka-Peddlr ko dyan, huwag kayong masyadong mangamba. Tatagan nyo lang ang inyong loob. Darating din ang tagumpay niyo.”

Sa kanyang asawa na ngayon ay nasa payapang lugar na, kaya niya nang masambit ang mga katagang “Mahal, ito ang regalo ko. Maayos na buhay para sa mga anak natin.”

Oras na para success story mo naman ang mapakinggan o masimulan. Magdownload ng Peddlr App on Play Store, App Store, and Huawei App Gallery.

Leave a Reply