Siguradong pagkakakitaan ba ang hanap mo? Ito ang mga negosyo na puwede mo nang simulan sa bahay gamit ang minimum Php 1,000 na puhunan.

1. Sari-sari Store Negosyo
Isa sa mga pinaka common at pinaka madaling simulan na Negosyo ay sari-sari store. Puwede kang magbenta ng iba’t ibang pang-araw-araw na produkto tulad ng bigas, gulay, prutas, mga de-latang produkto, kendi, sigarilyo, softdrinks, atbp. Depende sa location, open hours at produkto, puwedeng umabot sa 10,000 pesos kada araw ang kita mo. Puwede mo rin itong gawing mini grocery para sa mas mataas na kita.
2. E-loading Negosyo
Kailangan mo lang ng cellphone at ng Peddlr app (Sell e-load) para makapag simula. Lahat ng network ay available katulad ng Smart, Globe, TNT, at TM. Maaari kang kumita nang hanggang 10% – 15% na tubo sa bawat transaction. Bukod pa dito, maaari ka ring mag load ng:
- Cables (e.g. Cignal, SATLITE, GSat Direct TV)
- Game Pins (e.g. ML Diamonds, Garena, Bigo Live)
3. Bills Payment Negosyo
Madalas sobrang haba ng pila at paghihintay pag nagbabayad ng bills tulad ng kuryente at tubig, kaya naman magandang negosyo ang pagiging bills payment center. Sa tulong ng Peddlr app, maaari ka na ring tumanggap ng bayad sa mga bills. Pumunta lang sa Sell E-load tab at pindutin ang Bills Payment.
- Meralco
- Maynilad
- Internet at marami pang iba
4. Food Negosyo
Hindi nawawala sa mga Pilipino ang hilig sa pagkain kaya’t ang mga negosyo tulad ng pagkain sa kalye, food delivery, catering, at pagluluto ng mga handa ay patuloy na patok.
- Merienda (banana cue, turon, lugaw, etc.)
- Inumin (iced coffee, gulaman, juice, etc.)
- Baked goods (cookies, ube pandesal, etc.)
- Turo-turo (kwek-kwek, fishballs, kikiam, etc.)
VIRAL NGAYON: Fishball vendor na nagbibigay ng resibo gamit ang Peddlr app
5. Online Selling Negosyo
Dahil sa pandemya, mas lumago pa ang online selling dahil sa pagtaas ng demand sa mga services at products na puwedeng bilhin online. Maraming platforms na puwedeng gamitin tulad ng Peddlr Online Store Link. Konting clicks lang ay magkakaroon ka na ng sarili mong website kung saan puwede mag-order ang mga customers. Ilan sa mga puwedeng ibenta online ay mga sumusunod:
- Ukay-ukay o thrifted clothes
- Health and wellness products (skincare, collagen, weight loss products)
- Fashion Accessories
- Stationery o mga gamit sa school
- Mga gamit sa bahay


6. Digital Marketing
Dahil sa pagtaas ng paggamit ng social media at online services, ang mga negosyo na nagbibigay ng digital marketing services tulad ng SEO, content creation, social media management at digital advertising ay nagiging mas patok sa mga tao. Ang pricing at kikitain mo ay depende sa iyong level of expertise at output.
7. Home Services
Limitado pa rin ang paglabas sa bahay dahil sa pandemic kaya ang mga home services tulad ng pag-aayos ng bahay, cleaning, laundry services, at pagpapakain ng mga alaga ay patuloy na patok. Ilan pa sa mga puwedeng pagkakitaan ay:
- Car wash
- Baby-sitting
- Tutoring
8. Beauty and Wellness Negosyo
Dahil sa nauusong “self care” at pagtutok sa kalusugan, patuloy na mayroong pagtaas ng demand para sa mga wellness services tulad ng spa, massage, gym, yoga, at iba pa. Marami na rin ang naghahanap ng mga services katulad ng mga sumusunod na maaari mong simulan:
- Haircut at hair coloring
- Manicure at pedicure
- Eyelash perm at extension
- Massage services
9. Personalized Services
Kabilang dito ang paggawa ng mga customized na t-shirt, mga souvenirs, at iba pang mga personalized items. Patok ang mga sumusunod na personalized items:
- Apparels tulad ng t-shirt, tote bags, sombrero
- Lalagyanan ng inumin tulad ng mugs at tumblers
- Home décor at mga work-from-home office stationery
10. Piso Wi-Fi / Wi-Fi Vendo Machine
Marami pa rin ang naghahanap ng Wi-Fi o internet connection ngayon dahil marami pa rin sa ginagawa natin ay online. Piso lang ang bayad ng customer para sa 6 minutes na internet access. Hanggang 200 ang maaaring mag connect kaya kada araw, puwede kang kumita nang minimum 500 pesos.
May nagustuhan ka bang negosyo idea?
Hindi lang ito ang puwede mong gawing negosyo at ‘di kailangang magsimula sa napakalaki para magkaroon ng solid na negosyo. Tandaan na ang pagpili ng negosyo ay depende sa iyong interes, kakayahan, at pagpapatakbo ng negosyo.
Hanap mo ba ay tulong sa pag-monitor ng business mo? Mayroong Peddlr app na may POS, inventory management, expense tracker, profit and loss reports, at extra income features na makakatulong sa pagpapalago ng business mo.
Gusto mo bang maka-kausap ng mga kapwa mo negosyante? Makipag-usap sa aming customer service team? Sumali na sa aming Peddlr App User Community sa Facebook.
Halika na! I-download na ang Peddlr — libre na subok pa!
Ito pa ang ibang tips para sa iyong negosyo
Libreng Training Para Palaguin ang Negosyo (peddlr.blog)
Para sa mga upcoming educational training sessions, mag-abang lang sa mga announcements sa Peddlr | Facebook.
Great Tips!
Laking gamit ni Peddlr sa pag start ng negosyo!! kaagapay ng aspiring business owners like me
gusto ko yang beauty business pati eload/bills payment negosyo
Pingback: Bills Payment at New Features sa Peddlr App
Pingback: Filipino POS app, Peddlr, partners with DTI and Go Negosyo
Pingback: 5 Steps sa Pagsisimula ng Successful Small Business
great apps indeed!